Wednesday, October 20, 2004
tara na! byahe tayo!
sembreak na..siguro ito na ang tamang oras para sakin na magbakasyon..

nagpunta kami ng ilocos sur noong 0ct. 14..

magsasampung oras na ang byahe..nasa la union pa din kami..masakit na ang pwet ko..feeling ko wala ng dumadaloy na dugo..wala nang pakiramdam ang balakang ko..wla na kaming ginawa ng mga kaibigan ko kung hindi ang ngumuya ng chichirya..makinig ng music sa radio..mag stop over para mag unat..magstop over pag nagugutom..magstop over pag naiihi..malayo pa kaya..excited na ko..

makalipas ang sakto sampung oras na byahe..nakarating din kami sa destinasyon namin..alas diyes na nang gabi..ang tahimik na..puro kuliglig lang ang maririnig mo..tumawid kami ng palayan at pagdating namin dun sa bahay na titirhan namin..pagpunta ko sa likod....WOW!! dagat!! ndi ko inakalang nasa tapat na kami ng dagat ng mga oras na iyon..lahat kami namangha..nagulat sa nakita..
ang maririnig mo lang ay ang hampas ng alon..sipol ng hangin at mga kuliglig..ang payapa..ang sarap dito..
hindi ako natulog ng buong magdamag dahil gusto kong masilayan ang pagsikat ng araw na feeling ko ako lang ang magisa sa dagat..
dumating ang napakagandang umaga..andun pa din ang simoy ng malamig na hangin..tilaok ng mga manok at mapayapang dagat..

pag tumingin ka sa dagat..katawang tubig lamang ang makikita mo..pumunta ka sa harapan ng bahay..puro luntian naman ang makikita mo..palayan at kabundukan..hindi mga nagtataasang gusali at traffic..wala kang maririnig na busina ng sasakyan o kaya naman ay maamoy ang usok ng tambucho..ang sarap ng buhay dito..wlang nagmamadali..lahat payapa..
unang araw ko pa lang, nilibot ko na ang tabing dagat..ang sarap ng pakiramdam..ang sarap isipin na buti naman may ganito pang lugar dito sa pilipinas..

nung tanghali inimbita kami ng isang kilalang tao sa ilocos..grabe ang handaan..ang sarap ng mga pagkain..may litson pa! (pero ndi ako kumain non) ;p..ang lawak ng bakuran niya..ang daming puno..namumungang puno..ang sarap ng feeling dahil ang hangin at alam mong walang polusyon..
pagkatapos ay nagpunta kami sa simbahan..iba talaga pag heritage na ang simbahan..ang ganda ng istruktura at arkitektura...bibilib ka sa mga nagtayo ng mga simbahan noong unang panahon..

pagdating ng gabi,inimbita naman kami ng isang kolonel, hindi naman fiesta..wala namang okasyon..pero ang daming handa..at ulit...may litson nanaman!! (again,hindi ako kumain ng litson) ;p..grabe sa isang araw 2 litson ang handa nang wala namang okasyon..kaya naman taas dalawang kamay ko sa mga ilokano..actually sa mga pilipino..grabe sa hospitality..wala kang masabi..ang galing ng mga pilipino..

kinabukasan nagpunta kami ng vigan..ang heritage city of the philippines..at napatunayan kong totoo yun..

papuntang vigan ang dami naming nadaanan na magagandang tanawin..habang nagbyabyahe kami sa gilid nang bundok at the same time tabing dagat din..tumawid kami sa isang mahabang tulay na makikita mong napakalawak ng ilog na napapagitnaan ng mga bundok....WOW!! ANG GANDA NG PILIPINAS!! at kung tutuusin wala pa sa kalahati ang nalilibot ko sa bansa natin..norte pa lang..

pagdating namin sa vigan..kumain agad kami ng sinanglao (lamang loob nang baka na lutong bulalo) ang sarap!! pagkatapos ay nilibot na namin ang buong vigan..inikot muna namin ang mga lumang bahay..na ang gaganda talga at matutuwa ka dahil..astig yung naisip nilang hindi sirain ang mga lumang bahay..pagkatapos ay nagpunta kami sa pagawaan ng pots..nag pa demo kami ng pottery..at dun ko ulit naisip na..WOW!! ang galing ng pilipino!! ang husay ng mga pilipino at sadyang mayroong talento..

kahit bitin ang stay namin sa vigan..alam kong worth it..dahil..isa na ito sa mga dapat mong mapuntahan sa pilipinas..
iilan pa lang ang napupuntahan kong mga lugar dito sa ating bansa at gusto kong mapuntahan pa ang iba..sa totoo lang ilocos na ang pinaka malayong napuntahan ko sa buong buhay ko..pero alam ko na sulit kahit malayo ang byahe..kahit mamanhid ang pakiramdam ng pwet ko..ayos lang!.. kung kakaibang ganda naman ang makikita mo at kung kakaibang karanasan naman ang mararanasan mo..bakit hindi..di ba?..

kaya mga tsiong..ipagmalaki natin ang pilipinas..bago tayo mag tour sa ibang bansa bakit hindi nating subukan na libutin muna natin ang ating sariling bansa..maganda ang pilipinas pati ang mga tao dito..ang mga kapwa natin pilipino..naiiba ang ating mga kultura at dapat natin itong alagaan at ipagmalaki..
kaya mga tsiong...
tara na!!! byahe na tayo!!!
maganda ang pilipinas!!
magaling tayong mga pilipino!!!
WOW!! PHILIPPINES!!
Posted by em0terA at 7:54 PM
6 Comments:
Blogger Benigs said...

hay shucks sobrang inggit naman ako... vigan wow... pero totoong ang ganda talaga ng 'pinas! kakaiba! talagang sana eh masilayan natin ang buong pilipinas noh? eh tara na biyahe na talaga! hahaha... salamat sa pasalubong Ü

October 20, 2004 10:45 AM

 
Blogger Kalowee said...

astig! sarap magbakasyon noh. sa susunod tau namang PRM ang magbabakasyon ok?! para mas lalong masaya.
ang sarap mag-relax paminsan minsan diba! haaayyy... sana bakasyon forever. :)

October 20, 2004 9:43 PM

 
Blogger cAtHy! said...

talagang napakasaya maglibot sa ating bansa..dahil makikita natin kung gaano kagaling ang mga pilipino..at kung anu ano pang bagay na ndi pa natin nakikita..at mas masaya pa ito gawin kung kasama natin ang mga mahal natin sa buhay..=)

October 22, 2004 4:40 AM

 
Blogger darc said...

Syeeet ka ingit!!! pangarap ko makarating ng Vigan eh, salamat sa pasalubong, na adik tuloy ako kaya bumili uli ako sa town ng chichacorn :) Next year target ko Bigan at Voracay :D

October 26, 2004 8:23 PM

 
Anonymous Anonymous said...

Yeah!!!!know what punta din us sa vigan sa friday kaya susulitin ko at sana makita lahat at makain lahat ng sinasabi m,i love philippines kaya gusto kong puntahan ang mga lugar dito especialy Vigan!naks masarap yong sinanglao kesa litson kaya di k kumain litson?excited na tuloy ako,,,,,,,

August 4, 2005 11:53 PM

 
Anonymous Anonymous said...

although my cuz had a hard time translating for me this is so far the bext OPM song about our beloved Pinas. I was fortunate enought to have seen all this wonders. GO PINOYS!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

October 24, 2005 6:20 PM

 

Post a Comment

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com